First Profession - India

10/04/2013 I-print Ibahagi sa facebook Ibahagi sa nerbiyos

First Profession - India“Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, tayo’y magalak at magsaya!”(Salmo 118). Ngayon ay isang makasaysayang araw at isang biyaya para sa ating Kongregasyon sa India. Matapos ang halos pitong taon mula nang nagsimula ang ating komunidad, sa Punalor, tayo ay pinagpala ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay Niya ng mga pangunang bunga ng pormasyon. Ang mga nobisyadong sina Abhilash Nelson & Girish Dominic ay nagpahayag ng kanilang Unang Panata ng mga konselyong ebandyeliko. Ang Eukaristiya ay pinangunahan ni Mons. Selvister Ponnumuthan, ang pastor ng Diyosesis at ito ay ginanap sa ating parokya “Lourdou Matha Church”. Ang ating Superiyor Heneral P. Salvatore Russo, kasama ng Bikaryo Heneral P. Valdir Meira dos Anjos ay lumahok sa selebrasyon. Sinimulan ni P. Heneral ang taimtim na liturhiya ng isang pagbati at pagtanggap ng mga panata ng mga nagsipagtapat. Lumahok din ang mga kani-kanilang pamilya, ang mga madre ng Servants of the Poor, mga maraming kaparian ng diyosesis, mga relihiyoso at mga relihiyosa ng iba’t ibang kongregasyon, mga iba’t ibang kaibigan, mga laykong katulong, mga parokyano at ng ating mga seminarista.



Mga Larawan

Higit pang mga balita