Lektor at Sakristan

28/04/2013 I-print Ibahagi sa facebook Ibahagi sa nerbiyos

Lektor at Sakristan Sa pagdiriwang ng ika-40 taong kasaysayan ng “Paróquia São Marcos” sa Pilarzinho, ang ating mga relihiyosong komunidad ng Curitiba ay nagtipon kasama ng mga mananampalataya para magpasalamat sa Diyos sa mga maraming bungang ani sa mahabang panahon.

Ang selebrasyon ay pinangunahan ng Arsobispo Emeritus ng Curitiba na si Msgr. Pedro Fedalto na sa kanyang pagninilay, na may galak sa paligid, tayo ay hinikayat na maging mga misyonero katulad nina Pablo at Bernabe na isinabuhay ang bagong kautusan na iniwan ni Hesus “Mag-ibigan kayo kung paanong iniibig ko kayo, gayun din naman, mag-ibigan kayo ”. Isina-alala ni Msgr. Fedalto ang mga nagawa ng ating mga italyanong kapatid lalong lalu na si P. Giovanni Graceffa, ang unang Kura Paroko.

Pagkatapos ng homilya, pinagkalooban ni Msgr Fedalto ng Ministro sa pagka Lektor at Sakristan sina Bro. Gleison Rosa Sena at Bro. Marcio Ferreira dos Santos Corrêa. Minungkahi at pina-alahanan ni Msgr. Pedro ang dalawa na sa Simbahan marami-rami na rin na mga katauhan ang nagpahayag ng Salita ng Diyos at naglingkod sa altar, subalit sila ay tinatawag na isabuhay ang mga paglilingkod ng may pagmamahal.

Pagkatapos ng selebrasyon nagtipon tipon ang lahat sa bulwagan ng parokya, at kasama ni Msgr. Fedalto lahat ay nilasap ang masarap na pananghalian.

Higit pang mga balita