Ordinasyon ng Diyakono sa San Pedro - Philippines

21/06/2013 I-print Ibahagi sa facebook Ibahagi sa nerbiyos

Ordinasyon ng Diyakono sa San Pedro - PhilippinesNoong ika 21 ng hunyo sa Parokya ng “Mahal na Birhen ng Lourdes” sa San Pedro, Laguna ay ginanap ang Ordinasyon sa pagka-Diyakono ng aming kapatid na si Bro. Blumentritt Fabriquel Jr., sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng Kagalang-galang na Obispo ng Diyoseses ng Laguna na si Mons. Buenaventura Famadico DD.

Kasama sa selebrasyong ito ay ang mga kaparian ng “Missionary Servants of the Poor” na pinangungunahan ng Superior Heneral na si P. Salvatore Russo, P. Romano Ntumba Counsellor Heneral, P. Ronald Ignacio ang Superior Local at mga kamadrihan ng ibat-ibang kongregasyon kasama ang ibang “Sisters Servants of the Poor”, mga paring diyosesano at relihiyoso at mga kamag-anak at kaibigan ng ordinahan.

Photos

Higit pang mga balita